Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
Author: Modesto de Castro
Pages: 253,339 Pages
Audio Length: 3 hr 31 min
Languages: tl

Summary

Play Sample

CALASIN~GAN.[10]


Si Urbana cay Feliza,—MANILA....


FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito, minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa canilang vicio. Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong magandang hatol ni Tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui-inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nilaCun ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang aasalin.Houag din nauang itulot nang Dios na siya,i, magcagayon.Ipaaninao mo na ang paglalasing ay nacasisirá sa caloloua, nacapagcacasaquit sa catauan, nacauauala n~g puri, at nacalilipol nang pagaari.Tingni,t, aquing sasaysayin itong apat na casamán na natutubo nang lasing sa alac.

1. ° Ang caloloua na pinamahan nang Dios nang caniyang larauan, pinamutihan nang tatlong capangyarihan, bait, alaala,t, loob, at sa santo bautismo,i, pinagcalooban nang lalong matataas na cabanalan at daquilang biyaya, ang isa sa man~ga graciang ito, na sa caloloua,i, inahihiyas nang lan~git ay nauaualang lahat at palibhasa,i, nagcacasala nang daquila. Pag nagcagayon na,i, ¿ano pa ang quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang maguing alipin ni Satanás sa sala? ¿Nasaan ang cabaitan, nasaan ang calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin, cahit pagtauanán ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala? Ang hayop ay cahit ualang bait, na para nang tauo ay pinagcalooban nang Dios nang isang bagay, na cahit di matatauag na bait, ay cahalintulad nang bait na iquinaquiquilala nang pan~ganib, na icatatapos nang canilang buhay; n~gunit ang tauong lasing ay ¿nacaquiquilala caya bagá nang pan~ganib na ito, na parang pagcaquilala nang hayop?Cun lumalacad sa daan, cahima,t, may mata na itinitin~gin, ay di naquiquita ang batong catitisuran, ang butas na cahuhulugan at palibhasa,i, napagdidimlán ang isip.¿Nasaan ang catibayan na ipinagcaloob nang Dios?¿baquit caya baga máhipan lamang nang han~gin ay susuray suray at guiguiri-guiri?Baquit caya baga,t, cahit isang bata ang siyang magtulac, ó di man itulac at masagui lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob?¡Tauong caaua-aua at cahabag-habag!na punó nang alac ay nahubdán nang cabaitan, at palibhasa,i, napagdimlán ang isip.Napagdimlán ang isip ay nahubdán nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig sa tamang salitá, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang panunun~gayao at panunumpâ, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,i, ang pagtatagaan at pagpapatayan.Pasoquin cun ibig ang bahay nang masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa man~ga taberna, at diya,i, maquiquita ang man~ga casalanang ito.Siyang naquiquita sa man~ga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang Dios Espíritu Santo sa capitulong icadalauang puo,t, tatlo nang proverbios.[11]

Cun sumisirà sa caloloua ang malabis na pag-inóm nang alác; ay sumisira rin naman sa catauan. Dinguin ang catotohanan. 2° Cun dito sa ibabao nang lupa, ay may quinacamtang munting caguinhauahan ang catauan, ay ualang caparis na para nang cun di dinaratnán nang saquít. Ang tauo,i, cahit sacdal hirap, cun masaya ang loob, masiglá, ang catauan, ay tinatauag nating mapalad, n~guni cun datnán nang saquít ay ang buntonán man nang yaman, ang batbatin man nang hiyas, ang punin man nang caran~galan, ang sambahin man nang mundo,i, tauo ring mahirap, at palibhasa n~gá,i, na sa hirap. Caya ang lahat nang tauo,i, nagpipilit umilag sa saquit, at cun sacali datnan, ay ang lalong masaquít na tapal, ang capait paitang painóm, ang patuloin man ang dugo,i, nagtitiis nang hirap, at macamtan lamang ang hinahan~gad na cagalin~gan. Ang lahat ay ninilag sa saqíut, bucod ang mapaglasing na humahanap nang saquit, at nagpapaiclí nang buhay. Ang lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang bata ay tumatanda,t, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac. Ang lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutlá, ang matá ay naninilao, ang catauan ay nan~gan~gayayat, nalulupaypáy ang licsi nang cabataan, ang siglá nang edad na catanghalian, ang ningning nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc-ha nang man~gin~ginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa malayo,i, nababasa ang ganitong, pan~gun~gusap: aco,i, tauong lasing. Si Hipócrates at si Galeno at ang lahat nang médico ay nagpapatotoo na ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na-para nang casiyahan.¿Ilan caya baga sa ating man~ga cababayan: ilan sa man~ga caquilala ang dinatnan nang peste ó salot, ilan ang namamatay sa masamang han~gin; ilan ang sa taol,[12] ilan ang nalulunod sa dugó dahil sa di pagtitipid nang pagcain at paginóm? Ang lahat nang ito,i, natatantó nang lasing, n~guni di pinapansin, at palibhasa,i, di mapaglabanan ang masamang caasalán.

Ang tiyan nang man~gin~ginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian, na sinisin~gauan nang lalong cabaho bahoan na sumisin~gao sa catauan, caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclamán nang capoua tauo, ayao lapitan, at palibhasa,i, nacahihilo.At ang lalong casaquitsaquit, ay ang biglá at masamang camatayan, na tumatapos sa masamang buhay, sapagca,t, pinatataláb sa canila ang uica nang Dios Espíritu Santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay.Caiin~gat man~ga binata dito sa masamang vicio at linin~gin yaong santong hatol nang ating Pang~inoong Jesucristo.[13] Mahalin ninyo ang inyong buhay caiin~gat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan, sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datnán cayo nang biglang camatayan. Ano pa n~ga,t, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis na paginóm, ay pauang cahapis-hapis, asal na parang hayop, buhay na cahirap-hirapan, may caloloua,i, para ring uala, cun marapa,t, macatindig ay mararapá ulí, at mapupuno na ang ulo nang sin~gao nang alac, ay mahahalang na lamang sa tabi ó guitna nang lansan~gan at ang siya ma,i, pagsicaranan, aglahii,t, pagtauanan, ay di namalayan, at palibhasa,i, cahoy na na cahalang.Caya uala camunti mang inin~gat na puri.

3° Ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagayác nang tauo sa caniyang pan~galan.Caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang pan~ganib, lumululong sa camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniin~gatan.Sumasalacay sa lalong maban~gis na caauay, houag lamang masira ang magandang pan~galan.Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes, ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay hinahamac na lahat nang man~gin~ginom.Pag napuno na nang alac ay parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,y, para ring uala; may tain~ga,i, para ring bin~gi; ang bait ay di magamit caya cun magpasuraysuray, cun marapa at magban~gon, cun maquiling at magtouid at aglahiin nang man~ga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay di dinaramdam, palibhasa,i, ualang cahihiyan.Cun may caloloua,i, para ring uala, cun may catouiran man ay hindi macayanan, caya ang sabi ni San Basilio, ay masama pa sa hayóp.[14] Ualang hayop na tulig, ualang hayop na mangmang na para nang tauong lasing, caya panira nang puri sa magulang na pinanggalin~gan, sa asaua, anac at boong cahinlugan; iquinahihiya sa bayan, at palibhasa,i, ualang inin~gat na puri at camahalan.Caya di naman pinagcacatiualaan nang cahit puri at catungculan sa bayan.

Sa isang lasing ¿ay sino caya baga ang magpapahayag nang lihim, aling may bait na dalaga ang macaiibig, alin cayang magulang ang magpapacasal sa anac, aling caya bagang man~ga guinoó ang magcacatiuala na papagpupunuin sa bayan; cun hindi rin lamang nasusuholan nang salapi ó napahihibo sa masamang suyo, cahit mapahamac ang sangbayánang tauo?Ualang magcacatiuala, at di naman sucat pagcatiualaan ang tauong lasing.Quinapopootan nang lahat, hindi pinacucundan~ganan, cun di hinahamac, sa man~ga salita,i, guinagauang ulo, at sa man~ga pagpupulong ay masabi lamang ang pan~galan nang tauong lasing, ay naguiguing pagtaua at panghalac-hac, at palibhasa,i, ualang camahalan, ualang puri, ualang cábaitan at ualang caran~galan, sapagca,t, pangsira nang capurihan, at gayon din naman sa cayamanan.

4°Ang cayamana,i, hindi lalagui sa man~gin~ginom, at palibhasa,i, iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni Salomón sa proverbios:[15] at siya naman naquiquita natin sa arao arao.

Sa umaga, sa tanghali,t, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guinoó, na di nagbibigay puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan. Diyan nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui, magsasaca at iba pang upahan. Pagtangap nang upá, bago omoui nang bahay, daraan sa taberna, at ang uica,i, lalagoc nang isang lagoc, yaon na ang alio. N~gunit ¿anong nangyari? capagcalagoc nang isa,i, may darating na caibigan tatagaya,t, magiinoman, yaon na ang isang pangalio. May darating pang isa,i, magiinoman na naman. Pag nagca ganito na,i, magmamala inibay, magpapaliparan na nang sabi, at uiuicain di man pacaibiguin ay huag lamang pagca hiin. Sa ganitong uica, magiinoman na naman, man~gagtatagayan uli, at uiuicain; ang quinacain nang tauo,i, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. Sa inolit olit náng paginom ay nan~galasing ang tumagay at tinagayan at ang quinahinatna,i, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa taberna, at ang inaoui sa asaua,t, anac ay alac at utang. Pagdating sa bahay, sasalubon~gin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at palibhasa,i, inaasahang hahapona,t, aagahan nila,t, sampong man~ga anac. Sa tanong na ito,i, sasagotin ang pobreng babaye nang isang tun~gayao, sasalubon~gin naman nang asaua nang tun~gayao rin, at ang quinasapita,i, ang sala-salabat na sumpa,t, tun~gayao. Susumpain nang babaye ang lalaqui, at ang lalaqui naman ay sa babaye: susumpain ang canilang pagsasama, ipaquiquiramay ang anac at boong sangbahayan; at ang pangtapos sa gayong música, ay ang pagsusungaban, paghahampasan, pagsisicaran, pagtatadyacan at pagcacagatan. Ano pa n~ga,t, ang quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: at escandalo nang capit-bahay.¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom!verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang sangbahayán.N~guni ¿ano caya ang cagamotan?

Houag uminóm nang alac cailan man, ito ang cágamutan lamang na maihahatol sa iyo.Mahirap na hatol ang maitututol mo sa aquin, n~guni,t, mahirap man, ay anong gagauin, cun di ang pagpilitan: lalong mahirap ang mabuhay sa alac, mamatáy sa alac at icapapacasama.Lalong mahirap ang doon sa infierno ay painomin ca nang apdó nang ajas at apdó nang man~ga olopong na maguing parusa sa malabis na paginóm.Cun may saquit ang man~gin~ginom ay nacapagtitiis nang isa ó dalauang buan man na di tumítiquim nang alac, ¿baquit di mo magaua caya ang pagtitiis na ito, pacundan~gan man lamang sa icagagaling nang iyong caloloua?Ang icalauang maihahatol co sa iyo, ay cun ibig uminóm magpabili nang caunti, at inomin sa oras nang pagcain: houag magiin~gat nang marami sa bahay, sapagca,t, cun maquiquita,i, di macatitiis hangang, di malasing.Ang icatlo, houag maquisama sa man~gin~ginom, at nang di malamuyot sa dating gaua.Umilag sa man~ga piguing nang man~gin~ginom, sapagca,t, diya,i, hindi naquiquita ang casiyahan sa pagcain at, sa paginóm, cun di ang cayamoan.Ang icapat, houag uminóm sa di oras nang pagcain, sapagca,t, cun aboting ualang laman ang sicmura, ay umaac-yat sa ulo ang alac at nacapagcacasaquit.Pag uminóm, sa hapon at sa gabi, ay nacapagdidilim sa isip, nacasisira nang lacás nang catauan, at pagcacadahilanan nang man~ga saquít na aquing sinaysáy.Cun ang isasagót sa aquin, ay di macatitiis na di uminóm nang marami: ang ipinapacli co,i, pagaralan.Cun ang itututol sa aquin, ay di mangyayari,t, di macacayanan: ang isasagót co,i, tumauag sa Dios, patulong cay Guinoong Santa Maria, at nang macayanang paglabanan ang masamang caibigán sa alac.Ang caholi-holihan cong hatol, ay magconfesion general, salicsiquin ang calahat-lahatang casalanang na gaua sa boong panahong nagumon sa vicio, pagsisihang masáquit sa loob, ipahayag sa confesor nang macayanang; talicdán ang masamang caasalán, at nang masaoli naman sa gracia nang Dios; sapagca,i, cun ualà sa gracia, ualà rin namang lacás na icapaglalaban: cahit anong gauín, cahit pagpilitan, ay di mangyayari, at palibhasa,i, hindi calugdang tulun~gan nang Dios.

Aco,i, napalauig na lubha, Feliza, nang pagsasaysáy nang dilang casamáng bun~ga nitong calupit-lupit na vicio, nang maquilala ni Honesto,i, ilagan hangang bata; at nang di pagsisihan cun mapahamac.Ang sulat na ito, ay mabasa naua nang caniyang capoua bata,t, binata, at nang paquinaban~gan.Adios, Feliza, hangang sa isang sulat—URBANA.


ANG PAGIISIP-ISIP NI FELIZA

SA PAGLAGAY SA ESTADO.


Si Feliza cay Urbana—PAOMBONG ...


MINAMAHAL CONG CAPÁTiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na inaacala na may inin~gat na cabaitan.

Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madalás sumagui sa aquing pagiisip, cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. Cun dumating ang capanahonan, at tayo,i, maulila cay ama,t, cay ina, at aco,i, dalaga pa, di aco sa mundo,i, ulilang ulila. Ulilang ulila at mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang pan~ganib. Cun magcagayon na,i, di catulad co,i, isang marupóc na daong na inabót nang sigua sa guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong; cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang pilotong macapagaalaga; ¿masasabi cayang macasasadsád sa guilid, macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagbág sa laot? Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot?¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib?isang capan~gahasan at isang caulolan.Caya di pahinohod ang loob co, na aco,i, lumagui sa ganitong calagayan.Cun ang isang dalaga,i, may bait at may nag aalagang magulang, cun may mag bantá man nang di matouid, ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang.N~guni cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ualá nang magtangól, ¿di caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob?Cun magca gayon na,i, ang carupucán nang bata cong loob ¿ay macaaasa cayang macapagtatagumpáy?

Cun pagdili-dilihin co naman, na ang matrimonio,i, mabigát pasanin, lalo,t, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang uani, salát sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang malayó sa amin ang pagcacasundo. Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang mabigat na pasán, na hindi co masabi na macacayanang dalhín. Sa lagay na ito, na nagaalan~gan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag titimbáng-timbáng ang pan~ganib at caguinhauahan nang isang dalaga; ang pagca ayo sa pan~ganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam-agam ang loob, at hinahandulong aco nang malaquing saquit.Sa ualang matutuhang gauin, ay itin~galá co ang matá sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co inaasahan na magmumulá ang tulong sa aquin.[16] Ipinahayag co sa Dios, ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.[17] Ang man~ga mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan.[18]

Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit, si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap.Isang gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan aco ni ina,t, may ipinahayag.

Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa estado.Ang tauo ay di lagui sa mundó, buhay maicli at may catapusan caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin.Minamahal cata, bunto at di co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.

Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa calagayan iyan, ay maguiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t, cun ulila ca na sa ama,t, sa ina.Sa madlang baguntauo, na nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman aco.Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo.Ang baguntauong ito,i, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing casing isa mo sa palad: Pagtaga ni ina nang caniyang salita ay natalastas co ang tinutun~go, n~guní hindi co sinagot hangang di natapos, at niniisip co naman ang itutugon co.

Nang siya,i, tumahimic na, ay ualang naisagót aco, cun di ang salamat, ina, sa pagcacalin~ga sa aquin sa magandá mong nasang aco,i, mapalagá'y sa capanatagan, sa panahong haharapin. N~guni ang hin~gi co ina,t, pamanhic sa iyo,i, aco ay bigyan nang caonting panahon naipagisip. Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong man~ga ilang arao. Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di paimbabáo, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t, man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya, n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipintás ang tauo sa bayan, at ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo, ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman na ang sagót cong hindi, ay di mo icapopoot.

Sa sagót cong ito,i, nan~giti si ina, at aco,i, niyacap na pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasagót mo.Salamat Feliza, sa Dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa pagsunód mo sa calooban nang magulang.Salamat sa cabaitan mo.Sa isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang sagót na iyan, na bulong sa iyo nang inin~gat mong bait.

Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamtáng tóua ni ina,t, sampong aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na, bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga panalan~gin, idalan~gin mo cay Guinoóng Santá Maria, na icao at aco,i, tulun~gang ipagcaloob na matulóy ang ating magandang bantá, cun maayon sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.

Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating bacuran si Amadeo.Adios, Urbana, hangang sa isang sulat.—Feliza.


CAHATOLAN

SA DINATNAN NANG PANGANIB


Si Feliza cay Urbana—PAOMBONG....


URBANA: sa sulat na sinundán nito ay aquing sinaysay sa iyo na maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigatán nang isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i, nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalaglág sa daliri; sa matá co,i, nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang matitic sa sulat ang n~galang Amadeo, pluma,i, nabitiua,t, pumatac ang tubig na bumasa sa sulat.N~gayon co ipatuloy ang sulat iyon.

Nang si Amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay natilihan aco, loob co,i, napindang at naualan nang diua.Isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i, maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang itapon sa aquin.Nauumid siya,t, mata,i, nan~gun~gusap, at acong nacaharap naman ay gayon di,t, tiboc nang puso co ay labis nang tunog, na aco,i, nagdalang tacot, na baca marinig.Sa aquing mapansin ang calagayang iyon, bait co,i, nan~gusap, nagdamdam nang hiya: sa malaquing hiya,i, aco,i, napaalis na biglang di co na nagamit ang galang sa pagpapa-alam.Nang aco,i, maligpit na sa silid, ay naramdaman cong napaui ang catahimicang cacambál nang cabataan co, at ang humalili,i, isang caligaligan na dinaramdam co,i, dili co masaysay.Ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,t, aco,i, paquita uli, at humin~ging tauad, sa di co pagpapa alam, n~guni nacarinig aco sa dibdib co nang isang matunóg na voces, na sumansala, sa aquin, at nan~gusap: na ang gauang iyo,i, bulong nang licóng pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga.Titindig na aco,i, napa-upó uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni David: aco,i, nagsacdál sa aquing Pan~ginoon nang pagusiguin aco nang saquit, ay quinalugdan dinguin ang carain~gan co.[19] Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay:[20] isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.[21] Nang matapos acong macapanalan~gin, sumigla ang puso, nagdamdam nang catapan~gan, aquing uiuica; iilag na aco sa pan~ganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong uica ni San Pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang nagtatagumpay.Gayon man Urbana,i, hindi rin mangyari cun di ang sangunian cata.Hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na nagmamahal sá iyo.—FELIZA.


PASASALAMAT SA DIOS

CUN TUMANGAP NANG AUA.


Si Urbana cay Feliza—MANILA ...


FELIZA: Tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha 5, ang icalaua,i, 12, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang dilang cabutihan ni Amadeo, ang catapan~gan mong lumaban sa isang mahigpit na cahin~gian nang puso ang pagsasacdal mo sa lan~git sa panahon náng pan~ganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang dilang cahin~gian mo sa aquin.

N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huhumpayan.Nagsacdál aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.[22] Icao, Feliza,i, ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang ipaquipagbacat ang sarili mong lacás, dibdib mo,i, nalagay sa guitna nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucsó, at sa hatol nang cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinulóg at ang caloloua mong lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang lacás at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.[23] Hin~gin mo cay ina, Feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatalós ang magandang hatol na hinihin~gi mo, Adios, Feliza, hangang sa isang sulat. —URBANA.


ARAL SA MAN~GA INA

NA MAY MAN~GA ANAC NA DALAGA


Si Urbana cay Feliza,—MANILA ...


IGUINAGALANG CO,T, INIIBIG NA INA: Isinulat sa aquin ni Feliza ang magandang gayác mo po, na siya,i, ilagay sa estado, ang pagpapahayag mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,t, magiisip-isip cun icararapat sa Dios.Ayon sa bagay na ito,i, uala acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na na-uucol.

Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di minatapát na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat.Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanán nang man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang anac na babaye.Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala.

Ang Confesor cay Urbana

URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina.[24] Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.

Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may inin~gat na bait ang maguláng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama ó ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay ó paá, iquiquilos nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.

Hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi magaling.

Magsasaysay caya naman nang pagibig.Sa pagibig na ito,i, ¿ilan na caya baga ang tapat?at sa tapat ma,t, sa hindi, ¿di caya nahahaloan nang masamang bantá?

Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan lamang ay nadurun~gisan.

May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang man~ga magulang.Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa baguntauo.

Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo, ¿saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usá, na hinahabol nang áso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at mapatay? Cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita níyang may inin~gat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang na ilagay sa pan~ganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang caniyang anac. Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitlá nang man~ga binata: ang bato,i, sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang nacaaagnas.

Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na magpahayag nang caniyang masamang nasa.Sa unang págpapahayag, sa icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang catutubong cabaitan.N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na.Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan.Maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa apóy capag nálapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit.

Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at ¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip!¡ilang masamang banta ang magaling sa puso!¡ilang bucang bibig ang mabibitiuan!¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang panglugsó nang puri nang isang dalaga!

Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang nagcandong nang apóy na hindi nasunog.Ang lumululong sa pan~ganib, ay sa pan~ganib din mapapahamac.[25]

¡Oh pabayang ama!¡oh nagcacamaling ina!caiin~gat at sa minsang malugsó ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli.Pagnagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan, at palibhasa,i, cayo ang may casalanan[26] hatol, na sinipî sa santong sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.

Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca virgen,[27] turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di lapastan~ganin nang binata.

Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan at pagca mairoguin.Sa matá ang uica nang Profeta Jeremías, nanasoc ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata.

Ang anac na talipandás at mapan~gahás, ay nacapagbibigay hapis sa caaua auang ama, ang uica nang Dios Espíritu Santo.Caya pacain~gatan, at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan agád nang cagamutan, sa pagca cun lumalâ, ay ualâ nang magagaua.Sundin yaong magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalastás: ang cahoy na licó at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog, mahirap na ang paghutoc.

Pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang man~ga quilos, nang maquilala ang licó at buctót, at cun sumasamá.Itong santong hatol nang Dios Espíritu Santo, ay alinsunorin at nang di mamali: binigyan nang Dios ang tauo, nang tain~ga,t, nang ipaquinig, matá at nang itin~gin[28]

Sa pagbabago nang muc-há nang babaye, naquiquilala ang caniyang casamaán,[29] caya hindi carampatang calin~gatan, sapagca ang casiraan nang anac na babaye, ay casiraan nang ina.

Houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,t, ang dalagang namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin-bitin sa san~ga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papitás sa sino mang macaibig.

Nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin, turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang capanahonan.Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at gayon ang bilin sa santong sulat[30]Sapagca,t, sa isang babaye, nangagaling ang masamá ó magandang capalaran nang pamamahay.[31]

Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa ó utusan caya sa oras na di catampatan, ó magpacial caya nang ualang casama, at nang di pagcaraanan nang capahamacan.Cun si Dina na anac ni Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni Siquem, na anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen.Cun magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan.At cun magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.

Minsa,i, naisipan ni Dina, na manaog, at ang nasa,i, manood nang babayeng tubo sa lupa ni Canaan na caniyang tinatahanan.Sa pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni Siquem, nalugód at nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nasá, inagao si Dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen.Nang magca gayon na,i, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac na dalaga.Sa malaquing pag-ibig ni Siquem, ay hinihiling sa caniyang ama na siya,i, ipacasal cay Dina.Sa cahin~gian nang anac, ay napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay Jacob, na ang anac niyang si Dina ay ipacasal cay Siquem.Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang, ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natantó ang nangyari cay Dina, galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalatá ang canilang masamang nasa.Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa canila, na susunód sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa man~ga Hebreo.

Palibasa,i, daquila ang pagibig ni Siquem cay Dina, ay tinupad ágad ang pan~gaco.At di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing siquimitas na canilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod.Nang may icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina.Nang macaalis na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang ibang man~ga anac ni Jacob.Sinamsam ang man~ga obejas, baca at asnos nang siquimitas, at dinalang bihag ang man~ga babaye sampo nang man~ga bata.[32]

!Laquing capahamacan ang naguing bun~ga nang pagpapacial na nagiisa ni Dinang quinapos sa palad!Nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang nang maraming buhay ang caniyang man~ga capatid.

Cun si Eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa Paraiso, di sana pinan~gahasang tinucso nang demonio ó cun pinan~gahasan man ay may isang esposo na macasasansala.

Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ò ama na sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay macaquiquita nang daan na titira na tanghali ó sa gabi, sa man~ga oras na iyan ay ¿macailang cayang magtama nang mata, macailang magsasarilinan nang salitaan? Pagca nagca gayon na,i, daan na nang pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang masamá, ay di nagcacalayó, ang uica ni San Gregorio Nazianceno[33] Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan nang cagamotan:[34] ay ¿saan caya naroon ang bait nang isang ama ó ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumirá ang isang binata, sapagiimbót nang suyô? ¿di ang cahulugán nito,i, sila rin ang cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang canilang anac na dalaga?

Di naman catampatang magpita nang salapî ang isang magulang sa lalaqui, sapagca,t, bucód sa ibinabaual nang Superior Gobierno at nang Señor Arzobispo D.Fr.José Seguí, ay itinutulad sa hayop ang canilang anac, na pinagbibili sa lalaqui.Di rin naman catampatan, na magparinig na nagcacailan~gan nang salapi, at nang houag mapaguicaang masaquim.Bucód dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang pagsisin~gilan, at palibhasa,i, masáquit ang magbayad.Laquing casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia.

Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Si Feliza, ay may inin~gat na bait na minana sa magulang, umiilag sa pan~ganib, at palibhasa,i, naquiquilala ang caniyang carupocan ang rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubcób nang tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalan~gin, at palibhasa,i, natatanto yaong uica ni Santa Maria Magdalena de Pazzis, ang calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman mamumulaclac, cundi batbát nang tinic.Caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa capahamacan.[35]

Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na sulat aquing ilalagay.Adios Urbana.—ISANG SACERDOTE

Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i, maguing ina.Ipagcaloob naua nang Lan~git na mangyari ang iyong magandang nása cay Feliza cun icararapat sa Dios.Aco po, ina,i, humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama.—URBANA.


ANG PAGPAPATIBAY NANG LOOB


Si Urbana cay Feliza—MANILA ...


FELIZA: Di hamac ang pagpupuri co sa Dios, at pinagcaloobang ca nang matibay na dibdib, na dili nabagbág nang maulit na tucsò, na nagbantang sumirá nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban.N~gayo,i, ang hatol co sa iyo,i, ang pananatili.Nagtagumpay cang minsa,i, houag cang malin~git, at di ca rin tatahanán.Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca,[36] caya ihandá ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag capag dating nang digmá.[37]

Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay. Daraanin ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguilán nang loob, ibubulóng sa iyo na ualang pan~ganib, sacá isusunód ang pagpapalagáy nang loob at pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag-ibig ay taling casunód na ang masamang gauá.Caya ang biling co,i, ang ilaban mo sa ganitong tucsó,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios, pagdating nang oras.

At cun sacali ma,i, ipahayag mo ang loob mo na si Amadeo ay maguing esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang alalahanin ay Santo at malinìs ang Sacramento Santo Dios ang may lalang, ang Hari nang malilinis na Angeles, ang Esposo nang man~ga Virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan.Tangaping malinis at nang di ang sumpá nang Dios, cun di ang caniyang bendición Santá ang igauad sa iyong casabay nang Sacramento.Basahin mo Feliza, ang sulat na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director[38]


CAHATOLAN

SA PAGLAGAY SA ESTADO


Isang Sacerdote cay Urbana


URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro.Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.[39]

Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang uri at caugalian.Ang icalaua,i, ang pagiibigan.Ang icatlo,i, ang pagibig ay malagay sa catamtaman.Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob.Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa lalaqui.Ang icaanim, ang edad ay magcaparis.Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis.Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan.Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas.Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat.Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios.Ang icalabing dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran.Ang icalabing tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit.Ang icalabing apat ay loob na timtiman at mapagtiis nang hirap.

Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran. Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon. Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang caparis at gayon din ang lalaqui.[40] Ang lalaquing nagasaua sa babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo ò asaua cundi alila ang casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,[41] sapagca,t, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua.

Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin.Cun may pagibig, anomang masapit ay di maghihiualay.N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di nagcacatulong nang pagbabatá.

Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t, cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibughó. Pag ang alin man sa dalauá ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa matá nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumurá lamang sa durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang, isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó, sapagca,t, nagpapamatá sa masamá.At cun ang isa,i, mapunó na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang uica nang haring pantás sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang puso nang caniyang esposo,[42] n~guni nacasisira rin naman ang malabis na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac ang caniyang buhay.

Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye.Marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.

Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasundó, at cun samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob.Ayon sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi mangyari, at masisinsáy sa calinisan.

Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam-agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan.Gayon ang sabi nang daquilang Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.[43]

Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro at mapag aglahi.Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.[44]

Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio.Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal.May isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig.Sa guinayon-gayon ay di dinatnan nang saquit.Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din.Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang dugó, inabot nang camatayan.Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay.Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito.

Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat.Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.[45] Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.

Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t, pinagpapala nang Lan~git.Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang Dios.[46] Ang Dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.[47] Mapalad ang magasauang may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.

Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan.Si Adan at ni Eva ay linalang nang Dios at paraisong puspós nang toua ang pinaglagyan sa canila, n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca liban~gan.[48] Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salomón ay ang may inin~gat na bait,[49] di ang may cagandahan at palibhasa,i, madaling lumipas,[50] cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na sucat pagcatiualaan nang puso,[51] camahala,t, puri nang isang esposo, at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t, itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay na di pinagpaguran;[52] ang babaeng itong caguilaguilalas na naghihiyas nang puri at cabaitan[53] at dilang cabutihan na sucat taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa Jerusalem.[54] Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang caguinoohan.[55] Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t, paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag sa canilang ina.[56] Caya sa panguiguilalas nang haring Salomon, ay ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang cayamanan sa mundó:[57] Mapalad, ang uica nang Dios Espírito Santo, ang lalaqui na may asauang banál.[58] Mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.[59] Caya ang babaye,t, lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.

Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit.Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang mabuti at malinis, n~guni itutuntóng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig.Bucód dito nama,i, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui.Si Salomón ay hari na mayaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari.N~guni nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumambá sa man~ga idolo, sa pagbibigay loob.¿Ano pa ang nangyari?Quinapootan nang bayan, dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas na buis, at nang masunód ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit na man~ga babaye na inaalagaan.Sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t ipaghihirap nang asaua,t, anac.

Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy. Cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundó nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan ay naca guiguilio, at masayá ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang caibigán, ay ipinahahalata agad ang tinagong casamán. Ang mata,i, nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang tinacáp-tacap ay parang manóc na putaquin, sa bibig ay nananambulat ang tun~gayao na anaqui,i, apóy sa himpapauid: ang man~ga babayeng ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na masaquit sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camandág na talagá sa apóy sa infierno.Gayon ang uica nang ating P.J.C.: ¡oh lahi nang ahas at man~ga olopong!¿papaano cayang macaliligtás cayo sa apóy sa infierno ó sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa inyo?

Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa isang babayeng palatun~gayao sa Cataluña, na sinalitá nang Señor Obispo D.Antonio Claret.May narinig, aniya aco, na isang babaye na nagtutun~gayáo, ay pinan~garalan co.Sa pan~gan~garal co i, tumahimic na saglit, n~guni nang málayo aco,i, umulit na naman.Dito,i, catacot tacot ang nangyaring parusa nang Dios.Namagá ang díla nang labis, na di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalagót ang hinin~ga.May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran!Hindi na nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi.

Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na pagtangáp nang Santo Estado.Paquinaban~gan na na niya.Adios, Urbana—ISANG SACERDOTE.

Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat na cruz na pinapasán nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i, tangapin mo itong mabigát na pasán. Cun ang lahat na cabutiha,t, cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salomón at pinupuri nang Dios Espíritu Santo, ay di mo man iniin~gatan at nasusunód, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin ang Santo Sacramento nang matrimonio.Cun si Amadeo,i, may inin~gat na bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo.Caya ang mabuti ay magmasid muna at magtanong tanong.Feliza ang Dios naua,t, si Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo.Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.


PAGSANGUNI

NI FELIZA SA ISA NIYANG CAIBIGAN


Si Feliza cay Urbana—PAOMBONG ...


URBANA: Basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito.Nabalitaang co na siya,i, caquilala at capit bahay ni Amadeo, caya siya ang pinagtanon~gan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang aquing loob, na maguing esposo co.

Isang caibigan ni Feliza

FELIZA: Sa cahin~gian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni Amadeo, di mo man sinabi ang puno,t, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman nang pusó mo.Dinguin mo ang aquing salitá:

Ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni Amadeo ay labis nang dalaua sa edad mo n~gayon na labing anim. Natanto mo na siya ay tubo sa liping guinoo; ang magulang niya,t, magulang co naman ay magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay aming minana naman ni Amadeo, na aquing capoua bata. Di mamacailang nacacasabay co nang cami,i, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa escuela, cayá ang madalas ay na pagtatanon~gan co nang di co narurunun~gan sa lecciong ibinigay sa aquin nang maestra.Ang caniyang cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di pinaibayuhan, n~gayong lumaqui na.Loob ay matipid, marunong maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag-ibigan cahima,t, can~gino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa Dios: Dinguin mo ang sinasalitá niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni San Alfonso de Legorio.[60]

May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang daquila, mula nang magca loob.Isang arao na siya,i, naglilibang, nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang cabanalan.Ualang málay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan nang malupit na batá, sa paggauá nang masamá.Nang siya,i, maoui sa caniyang bahay, dumating ang gabi,i, guinauá ang natutuhang casalanan.

¡Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan, dahil sa pagcamatay na biglá, at di pagcacompisal nang caniyang anác. Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Santo Sacrificio nang misa, upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may pinagdurusahan.Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at gumayac, sa pagmimisa.Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang palacarin.Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya, acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno.Sa uicang ito,i, sabihin ang pagcamaang nang sacerdote.¿Di baga, aniya, ang sabi mo sa aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila?Oó, ang sagót nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang masamá.Capagca gauà co nang casalanan, ay tinambin~gan aco agád nang parusa.

Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang pagiibigan, caya malayong malayo, at ilág na ilág sa man~ga batang hilig sa calupaan.Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa pagiinoman.

Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang sinusunod yaong hatol nang ating P.J.C.sa Santo Evangelio.Hanapin muna ninyo ang caharian nang Dios, at ang lahat ay maquiquita ninyo.[61] Capagcatapos, ay napatutun~go sa caniyang sasahan, pinaquiquialaman. Cun macaquita nang i-asusucal nang loob sa man~ga upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di linilimot na ang pan~ginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang Dios. Cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,t, ang hayop ay dili matumpac, nang paggauá, at naglilibang-libang, caraca-raca,i, hahanap nang lihim na lugar, nagpapasi-pacial, ang mata ay sa lupa,t, hindi nan~gun~gusap. ¡Oh Feliza! cun maquita cong gayon, ay naalaala co si Isaac, na naquita ni Reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at nagdidili-dili.

Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang.Cun may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaítan, at malimít na pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad, di magdalang poot sa carohaguinan.Ay at tila naquiquita co yaong mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin linilimot.[62] Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i, matatantó mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo na tínataglay ni Amadeo.

Aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang laman nang puso mo. N~gayo,i, dinguin mo naman yaring ipahahayag co, na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo.Si Isaac ay mabait, mabanayád ang asal; di ipinahintulot ni Sara, na cániyang ina, na magasáua sa, man~ga babaye na taga Canaan, na palalo,t malupit, cun di cay Reveca, na tubo sa caniyang angcan na marunong matacot, mamintuho,t, cumilala sa Díos.Itong guinauá ni Sara, sa caniyang anac na lálaqui na sinalita co sa iyo,t, nang pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang cabaita,t, cabanalan.In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at naghihintay namang pagutusan itong iyong—CAIBIGAN.

Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co.Di co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami nacasal.Sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang Santo Sacramento nang matrimonio, aco,i, nan~gaco sa harap nang Dios at ng sacerdote, gayon din naman si Amadeo na aco,i, maguing esposa niya, at siya,i, maguing esposo co.Adios, Urbana, at hinihintay co na icao,i, sumulat sa aquin.—FELIZA.


CAHATOLAN SA MAY MAN~GA ASAUA


Isang Sacerdote cay Feliza,t, cay Amadeo—MANILA ...


FELIZA AT AMADEO: Ibinabalita sa aquin ni Urbana na tinangap ninyo ang Santo Sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihin~gi na cayo,i, sulatang co, at ipaaninao ang man~ga santong cahatolang ucol sa bagong estado, na inyong tinangap.Pacatandaan na ang sacramentong ito,i, daquila, alinsunod cay Jesucristo, at sa Santa Iglesia, alinsunod cay Jesucristo sapagca,t, calarauan nang caniyang pagca Dios at pagca tauo, na nagcacaisa sa isang persona: gayon din daquila, alinsunod sa Santa Iglesia, sapagca,t, calarauan nang pagcacaisa nang lahat nang man~ga cristianos na isá ang ulong quiniquilala na si Jesucristo.Mahal ang pinagmulan, sapagca,t, lalang, nang Dios, at ang dalauang tauo ay naguiguing isa, ang loob ay isa, at palibhasa,i, sing isang catauan.[63] Sasalitin cong saglit sa inyo ang paglalalang nang Dios, nang Santo Sacramento nang matrimonio.

Naguisnan ni Adan sa Paraiso ay maraming hayóp na ang lahat may man~ga caparis.Bucod lamang siya, na namumugtong na ualang casama,t, catulong sa lugar na iyon na caayaaya.[64] Caya pinatulog nang Dios si Adan, at nang macatulog, ay hinugot ang isang tadyang ay guinauang babaye na ibinigay cay Adan.Sa pag laláng na ito, ay may isang misterio na naaninao si San Agustin.[65] Hindi quinuha nang Dios ang babaye sa ulo nang lalaqui; sapagca,t di itinalagá na gauing pan~ginoon mag uutos sa lalaqui; hindi quinuha sa paa at nang di irin~gin at ariing hamac na parang alipin. Quinuha sa tadyang sa tapat nang pusó, nang pacamahalin at nang ariing isang casama, na cacatulun~gin sa pagtitiis nang hirap sa buháy na ito. Si Adang nacatulog at nahimbing nang lalan~gin si Eva, ay calarauan ni Jesucristo na dinatnán sa Cruz nang tulog na camatayan, at nang mangyaring lalan~gin ang Santa Iglesia na icalauang Eva. Nang si Cristo,i, patáy na sa cruz ay nabucsán ang dibdib at binucalán nang pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang Santa Iglesia, at nang marapat na maguing esposa. Caya ang esposo at ang esposa, ay tulad cay Jesucristo at sa Santa Iglesia, na tinatalian nang pag-ibig. Tinatauag naman na magsing isang catauan, sapagca,t ang catauan nila,i, di na nasasarili; caya ang adulterio ó paglílilo sa asaua, ay isang casama-samaang casalanan. Daquilang sala ang sabi nang Dios sa Genesis; malalim ang tauag nang Profeta Isaias, caya calaqui-laquihan naman ang parusa. Dinguin ang nangyari cay Faraon. Si Sara, nang maquita ni Faroan ay quinalugdán, at pinagnasaang camtán, at cahit di tanto na esposa ni Abraham, ay pinarusahan din nang Dios, na iniramay sampo nang man~ga casambaháy. Sa man~ga di binyagan ang casalanang ito ay pinarurusahan nang catacot tacot; at, palibhasa,i, inaaring casama samaan.Sa man~ga Finedos, ay may ugali na pinupugutan nang ulo gayon din ang man~ga Arabes.Nang man~ga unang panahon, ay sinusunog nang man~ga Sidonios, at nang panahon ni Moises ay ipinagutos nang Dios na batohin nang bayan hangang sa mamátay.[66] Sa Egipto,i, nang naghahari si Sostris, ipinasusunog na buhay ano pa n~ga,t, ang galit nang man~ga di binyagan sa casalanang ito ay ualang pagcasiyahan na inaaring di na dapat mabuhay sa mundo ang maglilo sa asaua, na ipinapapatay sampo nang casama sa pagcacasala. Sa man~ga Romanos, ay destierro ang parusa.[67] Ipinagutos naman nang haring Constantino na pugutan ang lalaqui at ang babaye ay paloin at culun~gin sa monasterio.[68] Gayon din ang utos nang haring Alfonso Sábio.[69] Sa man~ga huling panahon ay binago ang parusa, pinapagisa ang babaye,t, sa lalaqui na capoua ipinag-utos na patain.[70] Ang parusa naman nang Santa Iglesia sa naglilo sa asaua ay excomunion.[71]

Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang cristiano, na pinagcacaitán nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i, napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggáp nang man~ga Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap sa capoua cristiano, ang olicio ó catungculan na caniyang ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatáy na di naquitaan nang pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculóng sa isang Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan.At cun sa man~ga panahong ito, ang marami sa man~ga parusang iyon ay di nasusunód, ay ipinababaya na sa Dios ang pagpaparusa.[72] Lalong catacot-tacot cun ang Dios ang magparusa; sapagca,t, cun patauarin dito, ay itatalagá doon sa isang buhay, at dili bihira na dito at doon ay pinarurusahan. Ang palaguing pagaauayan, paghihirap nang pagcabuhay, na saan man ilagay ang camay, ay di magdaang pala, at tila ang hampás nang Dios ang siyang namamalas. Cun minsan ang lilong lalaqui, ay nagagantihan na pinaglililuhan nang asaua, at cun di man magca gayo,i, ang man~ga anac ang magbabayad, at natutupád ang hatol nang ating Pan~ginoong Jesucristo: cun ano ang isinucat mo sa iba ay siyang isusucat sa iyo.[73]

Feliza at Amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa Dios, at ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay minatapát cong italá sa sulat, ang cabigatán nang casalanang ito, nang may pagcaaninauan ang macababasa.N~gayo,i, isusunod co ang inyong catungculang magpilit na cayo,i, magcasundô.

Icao man, Amadeo, ay ulo ni Feliza,[74] ay magpaparayâ ca, at houag mong iguiguiit na palagui ang iyong capangyarihan, pacundan~gan sa cayo,i, ualang pagauayan.Alalahanin mo yaong pan~gun~gusap nang sacerdote nang tangapin mo ang Santo Sacramento nang matrimonio casama at di alipin ang ibibigay co sa iyo.[75]

Icao naman Feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong esposo, at palibhasa,i, icáo ay nasusucuban nang caniyang capangyarihan.

Icao Amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap buhay, palibhasa,i, ulo ca, na may cautan~gang magpacain sa esposa at sa maguiguing anac.

Icao naman Feliza, ay may catungculang magimpoc nang maquiquita ni Amadeo, at magalaga sa pamamahay: ilagan ang pagmamariquit nang labis, at nang di ninyo ipaghirap.

Icao, Amadeo, ay houag macalilimot sa gaui mong catahimican, nang di pagcaraanan nang pagcalimot sa Dios, at di naman pagcadahilanán na paghinalaang ca ni Feliza, na siya,i, pinaglililohan mo.

Icao naman Feliza, ay houag manaog nang ualang pahintulot ni Amadeo, nang di icao naman ang paghinalaan.Cayo naua,i, matulad sa jardin ó halamanang may susi, na ualang macapan~gahás pumasoc cun di ang may ari; sa batis na naquiquintatán nang calinauan[76] at binubucalán nang malinao na tubig.

Sa inyong pagsasama, ay houag ihiualáy ang calinisan.Ang Arao at Buan, ay nagpapaliguid-liguid sa mundo, palaguing nalacad ay di nasinsay sa daang iguinuhit sa canilá nang Dios.Ang man~ga alon sa dagat, ay sacdal nang bagsic, ang inugong ugong ay parang nagn~gan~galit, n~guni pagdating sa guilid ay nan~gan~gayupapa, at di lumalampas sa pasigang iguinuhit sa canila nang Dios.[77] Gayon din ang magasaua, may guhit na dapat tuntunin, hindi lalampasan, at nang di masira ang calinisan.

Alalahanin ninyong magasaua na ang Dios ay Santo, si Jesucristo ay Santo, ang matrimonio ay Santo, caya dapat ninyong pagpilitan na ang pagsasama ninyo,t, boong caasalan ay maturang Santo.

Alalahanin ang catungculan ninyong magibigan, at magmahalan.Ibiguin mo, Amadeo si Feliza, at alalahanin mo yaong salita sa Genesis, na ang babaye hinan~go sa tadyang nang lalaqui na tapát sa puso, at nang pagcaquilanlán na liban na lamang sa Dios ay ualang iibiguin ang esposo na para nang esposa, at gayon din naman ang esposa sa esposo.[78]

Alalahanin mo, Amadeo, na iniuan mo ang ama mo,t, ina, at sumama ca cay Feliza, at cayo,i, nagca isang catauan,[79] caya sa inyo,i, ualang magpapahiualáy cun di ang camatayan; sapagca,t, ang matrimonio, ay isang taling caloob nang Lan~git na di nacacalag nang tauo.[80] Caya dapat cayong magsunuran sa lahat nang bagay na di nalalaban sa utos nang Dios.[81] Malasin mo, Feliza, ang caugalian ni Amadeo, at sundin ang caniyang calooban, houag lamang sa di catouiran.

Pagaralan mo naman, Amadeo na si Feliza ay maca sundó mo; at cahit catungculan nang babaye ang sumunód sa lalaqui, ay houag mong piliting masunód na lahat ang caibigán mo, sa pagca,t, magpacabait-bait man ang lalaqui, ay nacacapagpita sa babaye nang di macayanang sundin.Cun maminsan minsan ay di macasunód sa cahin~gian mo, ay houag tampalasanin, houag pan~gusapan nang di catouiran, at nang di maquisama sa iyo, na parang natutuntóng sa dulo nang sibat.

Cun si Amadeo, Feliza, ay patutun~go sa Simbahan, ó pasasa buquid caya,t, magsasaca, ay ihanda mo ang caniyang babaonin, nang macaquita nang loob sa iyo, at palibhasa nama,i, catungculan mo.Cun siya,i, matapos na gumauá, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap.

Cun nagdaan sa init nang arao ó nagdaramdám caya nang gutom, hindi malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at pagibig, nang may pagcalamigan ang loob.Cun maquitaan mo nang galit, ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan.Cun may pangalin~gan na malayong lugar, ay bago mo tanon~gin nang ibang bagay, ang itanong mo muna, ay cun nagdaramdám nang cagutuman.

Cun may darating na malaquing fiesta ó Domingo caya, agapan mong alamin, cun may magagamit na damit ucol sa man~ga arao na iyon; at sacali ualá, ay ihanda. Gayon din, cun may punit, agapang buoin, houag hintin ang arao at oras nang pag gamit, at bacá ca magahól, mapilitan cang gumaua sa fiestang daquila, di ca macapan~gilin, at ipagcasala mo sa Dios dahil sa di pag gaua sa capanahonan.

Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.

Cun si Amadeo, Feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo.Marami ang babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay sasagotin nang sampo.¿Ano ang quinásasapitan cun minsan nang man~ga ganitong babaye?Ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at ang sampuong sagót nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo nang lalaqui.At dito na nagmumulà ang masamang pagsasama, na ang cahalimbaua ay infierno nang pagaauay at pagtutun~gayauan.Icao, Feliza, na minamahal cong capatid cay Jesucristo, caiin~gat na cayo,i, magca gayon.

Cun ang isang babaye, ay tumamà nang mapusóc na loob at tampalasang lalaqui, ay ualang mabuting gamot, cun di ang pagaralang tiisin, pagpaquitaan nang loob, dagdagán ang pagtauag sa Dios at cay Guinoong Santa María, at palibhasa,i, siya ang nag-iin~gat nang ating puso. Gayon ang gaua ni Santa Mónica cay Patricio na caniyang asaua, ni Santa Marta cay Mario, ni Santa Gregoria cay Vitalino, ni Santa Rita de Cacia cay Fernando, na sa canilang man~ga panalan~gin, ay ipinagcaloob nang Dios na nagbago nang loob ang canilang man~ga asaua. Nauucol na basahin ang buhay ni Santa Rita de Caciá, nang may pagcunang ulirán ang may asauang babaye.

Cahiman Felisa,i, malayong malayo sa cabaitan ni Amadeo ang manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang man~ga bagay na ito, nang may pagcaaninauan ang iba.Sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,i, bata pa.

Ang asaua nang babayeng ito ay tamád sa paghahanap buhay, mauilihin sa sugál at man~gin~ginom. Cun macaquita nang caunting pilac, dadalhin sa sugalan, capag natalo na,i, iinóm nang alac, ooui sa bahay, at pagcaquita sa asaua ay cagagalitan, at tatampalasanin. Sa guinayon gayon; sa pagdadalamhati touina nang babaye, at sa casalatán nang pagcain na sumasala sa oras, ay dinatnán nang saquit. Ang babayeng ito na cahit casama co sa bahay, at nacacausap co touina minsan man ay hindi co naquitang dumaing sa magulang, sa aquin at sa can~gino, pa man. Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tínanong cong minsan: Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatían Cumpare ang sagot sa aquin, cun maminsan minsan, at aco,i máy, dinaramdám na pighati sa loob, ay ualá acong pang gamót, cun di ang calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcán. Ang sagót na ito,i, di na dinugtun~gang catagá man: aco nama,i, nagtindig na sa salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata ¡Oh!babaye na sucat pagcunang ulirán nang may man~ga asaua!Cayong magasaua, Feliza at Amadeo, ay catatauag sa Dios na i-adya sa pagaauay.

Feliza, si Amadeo cun sacali,t, macalilimot sa Dios (hoag din nauang itulot nang Lan~git), ay aralan mo nang banayad, cun napopoot ay hoang salansan~gin, hihintin mo ang oras na natatahimic, malamig ang loob, saca mo pahayagan nang malambót na sabi, at amo amoin na houag mauili sa casalanan, tumauag cay Guinoóng Santa Maria sa toui touina, na ihin~gi niya sa caniyang mahal na Anac nang graciang icapagsisi sa casalanan.Dinguin mo ang casunód na

SALITA

Sinasabi nang beato Juan Exolto[82] na may isang lalaqui na may asaua na nabuhay sa casalanan, pinan~gan~garalan siyang palagui nang caniyang esposa, palibhasa,i, may loob sa Dios; n~guni hindi maquinyig. Sa ualang magauá ay ipinamanhic nang babaye, na yayamang (aniya) na di ca mag bago nang loob, ay magdasál ca man lamang nang isang Aba Guinong Mária sa touing mag daraan ca sa haráp nang larauan nitong mahal na Ina. Sinunód nang lalaqui ang hatol nang babaye. Isang gabing gumagala, at ang nasa,i, ang masunód ang masamang caibigán nang catauan, ay naca tin~galá nang isang ilao na nag liliuanag sa haráp nang isang larauan ni Guinoong Santa Maria, na may calong na Niño Jesús. Capagca quita,i, nag dasal nang Aba Guinoong María, palibhasa,i, pinag caugalian na. Sa pagdarasál niya, di caguinsa-guinsa,i, naquita ang Niño, na punó nang sugat at tumutulo ang dugo. Sa naquitang ito,i, ¿ano caya ang mangyayari sa caaua-auang macasalanan? Pinasucan nang malaquing tacot, at nang mapag dili dili na ang man~ga casalanan niya ang sumugat sa canyang Pan~ginoon ay nahambál ang puso, tumulo ang luha sa mata, lalo na nang maquita na siya,i, tinalicurán nang Niño. Sa ualá siyang matutuhang gauin ay nagdasál cay Guinoong Santa María at uinica: Oh ina nang aua itinatapon aco nang mahal mong Anac: ay ¿sino pa ang pagsasacdalán cong pintacasing mahabaguin at macapangyarihan naman, cun di icao lamang na caniyang Ina. Icao,i, aquing Reina tulun~gan mo aco, at ipanalan~gin mo sa caniya. Sinagót ni María ang tauag na ito, at uinica: Ina nang aua ang tauag ninyo sa aquin man~ga salaring tauo, n~guni palagui na ninyo acong guinagauang Ina nang hirap; sa pagca,t, sinasariua ninyo ang saquit nang aquing Anac; at aco,i, binibiguiang dusa. N~guni sapagca hindi marunong humabág itong maauaing Vírgen sa nag sasacdál sa caniya, at nan~gan~gayupapa sa caniyang harapan, ay humarap sa Anac, at inahin~ging tauad ang natauag na macasalan. Gayon ma,i, naganyó ring ayao mag patauad ang ating Pan~ginoon. Sa mag cagayon na,i, binitiuan ang caniyang Jesús, nag patirá pa sa mahal na harapan at uinica: Anac co, di aco titindig sa iyong paanan, hangang di mo pinatatauad ang macasalanang ito.Ina, ang sagot ni Jesús, di aco maca tatangui sa anomang cahin~gian mo.¿Ibig mo bagá ang siya,i, patauarin co?Yayamang ibig mo,i, pacundan~gan sa aquing pag ibig sa iyo ay pinatatauad co naman.Siya ay palapitin mo sa aquin, at hagcan ang aquing man~ga sugat.Tuman~gis at lumuluhang lumapit naman itong macasalanang tauo, hinagcang pinag isa-isa ang man~ga sugat nang Niño, at hangang hinahagcan, ay gumagaling na lahat.Nang matapos nang mahagcan, ay niyacap naman siya ni Jesús, nang maguing tandá nang capatauaran.Dito na minulan ang pag babagong loob nitong naglilo sa asaua, at hangang sa matapos ang caniyang buhay, naninta,t, naglingcod cay Guinoong Santa María, na caniyang pinag cautan~gan nang gayong daquilang aua.

Sa salitang ito, Feliza, han~goin mo ang cahatolang ucol sa iyo,t, cay Amadeo.In~gatang cayo nang Dios.—ISANG SACERDOTE.


MAN~GA CAHATOLAN

SA NAN~GAG DADALANG TAUO.


Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo—MANILA ...


FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira.Ang babayeng nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag aayunar, at baca ipag caramdam, at bucod sa rito naman ay di ang sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dalá sa tiyan, ay nag cacailan~gan nang pagcain.Magpilit, ca namang mag hauac nang loob, umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac.

Pag saquitan mo naman, Amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay Feliza: icao at siya,i, catatauag sa Dios at cay Guinoong Santa María, na in~gatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang Santo Bautismo.Arao arao ay tumauag cayo sa Angel na catutubo, hin~gin ninyo na cayo,i, hulugan nang magandang tica, iilag sa pan~ganib na icamamatay nang inyong anac: sapagca,t, malaquing totoo ang nasa nang demonio na houag maguing cristiano, at nang di maguing campon nang Dios.

Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungculán nang babayeng nag dadalang tauo ang mag compisál sa panahóng ito, at palibhasa,i, malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun nan~gan~ganay.

Cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa Dios.

Cun ang inyong anac, Amadeo at Feliza, ay maguing cristiano na, ulitin ang pag papasalamat sa Dios, ihain sa pag lilingcód at pamimintuho sa caniyang camahalan.

Sa arao, Feliza, nan iyong pag sisimba, ihain mo ang anac mo sa Dios at cay Guinoong Santa María, hin~gin mong cupcupin na ariing anac, at sambitin mong ulit-ulitin itong panalan~ging hatol ni Padre Claret: Jesús y María, houag mong ipahintulot na aco,i, maguing ina nang man~ga hunghang: cun ang aquing anac ay mapapasamà, ay bauian mo na nang buhay, hangang siya,i, Angelito na ualang casalanan.[83]

Amadeo,t, Feliza, ang inyong anac ay anac nang Dios sa gracia, caya dapat paca alagaan.

Cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang isa niyang anac, ang iyong pagcacalin~ga capala pa,i, ualang pagcasiahán.

Ang inyong anac, na anac nang Dios at ni Guinoóng Santa María na pina-aalagaan sa inyo, cun di cayo maca tupád nang catungculang ito ay magagayác ang parusa, at cun maca tupád naman ay magandang ganti.

Cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong anac: ang pag tuturo nang man~ga catotohanang icaquiquilala at ipaglilingcód sa Dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang pag iin~gat na siya,i, magcasala, ang pag lalagay estado.Ang lahat nang ito ay natatalá sa man~ga sulat ni Urbana, sa Pláticas Doctrinalas, at sa man~ga sulat co naman.

Gayon man sa casunód na sulat, sasaysayin co ang man~ga cahatolán na dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac.Pagcallooban nauá cayong mag asaua nang Dios nang magandang capalaran.Adios, Feliza at Amadeo.—ISANG SACERDOTE.


CAHATULAN SA MAN~GA MAGULANG

AYON SA PAG LALAGAY SA ESTADO SA CANILANG
MAN~GA ANAC.


Isang Sacerdote cay Amadeo,t, cay Feliza—MANILA ...


AMADEO AT FELIZA: Ang catungculan nang magulang sa pag cacalin~ga sa anac, cun di mamatamisin sa loob at patutulong sa Dios, ay mahirap tupdin, at pag di natutuhan ay palaguing ¡ay!ang mabibitiuan nang ama at nang ina.Laquing hirap nang ina, na siyam na buang pagdadalang tauo, sa boong panahón nang pag papasuso, at gayon din naman ang ama, sa pagquita nang ipacacain sa asaua,t, anac; at lalong mahirap sa pagtuturo sa anac nang man~ga catotohanang icaquiquilala sa Dios, sa pag lalagay sa estado.Gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan nang gracia nang Dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang pasanin.Caya catatauag sa Dios cayong mag asaua.

Tinangap ninyo ang Santo estado nang matrimonio, cruz ni Jesucaito na inyong ipinan~gacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay di carampatang ariing mabigat. Ang estadong iyan ay isang daang lalacaran ninyo sa pag tun~go sa lan~git ay di carampatang sinsayan, at pagsininsayan ay di cayo macararating sa linalacbay na caloualhatian. Ang baua,t, isang hirap na inyong pagdadaanan, ay houag ariing hirap cun di hiyas na niyayari ninyo at ipinamumuti sa corona ni Jesucristo, bulaclac na doon sa lan~git ay inyong daratnán ay siyang ipuputong sa inyo. Isa sa inyong man~ga catungculan ang pag sasaquit, na ang inyung anac ay malagay sa estado pagdating nang capanahonan.

Cun ang inyong anac ay maca quilala na nang man~ga catungculan nang pagca cristiano at nang paquiquipag capoua tauo; ang dapat isipin naman ay ang pag lalagay sa estado.

Maraming magulang ang naquiquita na ualang mapait sa canilang loob, na para nang mag asaua ang canilang man~ga anac na dalaga, na hangang sa tumanda ó canilang camatayan ay ayao papagaasauahin.Hindi pinag iisip nitong ualang bait na magulang na ipag susulit nila sa Dios, ang di nila pagtupad nang catungculang ito.¿Sino caya baga ang magsusulit sa Dios nang casalanang na gagaua nang man~ga anac nilang dalaga?¿Ilang cayang pag iisip na laban sa calinisan, ilang maruming pag iibigan, ilang masamang gauà ang nagagauà nang man~ga anac nilang dalaga, na ualá silang malay-malay ay ipagsusulit nila sa Dios at sila ang parurusahan?[84] ¿Ano ang masasapit nang ganitong man~ga dalaga? Sa caramihan nang nan~gan~gasaua, sa calaunan nang panahon ang guinayon-gayon, na papahamac ang puri, naguiguing casiraan nang camaganacan, escándalo nang bayan, at ang lalong casáquit-sáquit ay ang pagca pahamac nang caloloua nitong caaua auang man~ga dalaga, at ang maraming tauo na nag casala sa masamang halimbauang naquita sa canila. ¿Sino caya baga ang sisisihin nang Dios sa man~ga bagay na ito cun di ang masamang magulang? Marami rin naman ang naquiquita na bagun tauong nag si sitanda, nag calat sa lansan~gan, catulad ay cuagong sa gabi ang gala,t, ang huni ay calumbay-lumbay. Calumbay-lumbay anaquin, sapagca,t, ang pag aauit sa daan, ay ang man~ga bucang bibìg nang man~ga binatang ito, ang caramiha,i, hinguil sa calupaan at pang patay sa caloloua. ¿Sino ang may casalanan na sisisihin nang Dios sa gayong asal na calupit lupit? Sino cun di ang masamang magulang na nag papabaya na di pinagsisicapang ilagay sa estado ang canilang man~ga anac pag dating nang capanahonan.

Ayon sa catungculang ito nang magulan, ay dalauang bagay ang dapat tantoin: ang una,i, ang anac dapat pumili nang estado o calagayan, na inaacala niyang mapapasan, at ang icalaua,i, ang magulang ay dapat mamahala.Daquilang bagay ito, na cun pagcamalian, ay dalauang capahamacan hangang sa camatayan ang uica ni Padre Arbiol.

Sa man~ga anac ay may itinatalaga ang Dios sa matrimonio, mayroong sacerdocio, at mayroon naman sa pagca dalaga hangang sa camatayan. Cun ang isang anac ay lumagay sa estado na di talagá sa caniya nang Dios, ay marahil di niya natupad ang catungculang calangcap, at pag di matupad ay sapilitang icasasamá. Caya ang carampatan ay malasin nang magulang ang cahinguilan nang anac, at sacá ilagay sa estado na caniyang guinahihinguilan. N~guni hindi carampatan na ipag dumali, catatauag muna sa Dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali. Titingnan anaquin, ang cahinguilan nang anac, at ang tularan ay ang magugulang na taga Atenas, na nag mamasid muna sa caugalian nang anac at ibinabagay sa ugali nang anac ang estadong ibinibigay.Gaya sa cahariang ito naquita ang man~ga tauong balita sa carunun~gan, at ang man~ga guerrerong bantóg sa catapan~gan, na pinag tac-han nang boong mundó.

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang.Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo.Dinguin ang pag pupuri nang man~ga Santos Padres sa virginidad.[85] Bulaclác nang Santa Iglesia ang tauag ni San Cipriano, hiyas at pamuti nang gracia, larauan nang Dios na pinag niningnin~gan nang caniyang casantosan.

Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid, naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matantó nang man~ga magulang ang cataása,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios. Virgen ang santo Precursor, Virgen ang dibdib nang discipulo at apostol na minamahal sa lahat nang apóstoles, quinalugdan hiniligan at pinahayagan nang matataas na misterios, at Virgen din naman ang apóstol na iniaquiat sa icatlong lan~git, at nacarinig nang matataas na lihim, na di nararapat ipahayag sa tauo, Et audivit arcana verba quoe non licet homini loqui 2. Cor. 12 4.

Caya cun ang dalaga,i, na sasa mundó ma,i, parang na aan~gat, at ang caniyang puso,i, itinalaga cay Jesucristo, ay di dapat pilitin nang magulang sa pag tangáp nang matrimonio, at nang di nila agauan ang hari nang man~ga virgenes nang isang esposa niyang virgen.Isang virgen, na sa isang daa,t, apat na puo,t, na libong virgines, casunod-sunod n~g Cordero[86] ay mapapaquibilang at magcacapalad mag siualat sa harap nang trono nang bagong auit na ualang macacasambit, cun di sila lamang na humaharáp sa Dios, na di nadun~gisan sa mundó.[87]

Cun ang isasagòt sa aquin nang man~ga magulang totoo,t, caaya-aya, na ang isang dalaga,i, mag in~gat nang caniyang pagca virgen, n~guni,t, cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio ó monasterio, ay malaqui ang pan~ganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang mundó. Sa sagot na ito,i, ang itutulot co,i, cun sila,i, itinatalagá nang Dios sa estadong iyan, ay matututo silang umilag sa pan~ganib na icapapahamac, tuturoan nang paraang icapag iin~gat nang calinisan, at cun canilang pagpilitan ay di naman ipagcacait nang Dios ang caniyang gracia.[88] Si Santa Lucia virgen, Santa Filomena, Santa Ursula at libo-libong virgenes na casama niya, ay sa mundò na buhay, ay naca pag in~gat at nang pumanao sa mundó ay taglay ang lirio nang canilang pagca virgen, na inihandóg sa virgeng esposo.

Cun ang dalaga,i, may tacot sa Dios at napa aampon, ay di mapapahamac; at pag dating nang tucsó ay iin~gatan siya nang Dios at ipag tatangól sa casamaán.[89] Dinguin ang nangyari sa isang mapalad na virgen.

Ipinan~gaco ni Santa Cecilia Romana sa Dios na di niya sisirain ang canyang pagca vírgen; n~guni,t, ipinacasal nang ama sa isang baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating nang gabi, nangusap cay Valeriano na esposo niya: aco Valeriano,i, ipinagtatangquilic nang isang Angel at siyang nag iin~gat nang aquing pagca vírgen,[90] caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca capootan nang Dios. Sa uicang ito,i, di naca pan~gusap si Valeriano at nag saysay na siya,i, sasampalataya cay Jesucristo cun maquita niya ang Angel. Ang sagót ni Santa Cecilia ay di mo maquiquita, cun di ca mag binyag. Sa malaquing nása ni Valeriano na maquita ang Angel, na pabinyág cay San Urbano Papa.Nang maguing binyagan na,t, mag sauli cay Santa Cecilia, ay naquitang nananalan~gin na casama,i, isang Angel, nag niningning at nag liliuanag, sabihin ang tacot ni Valeriano nang maquita ang Angel, na tapon ang nasang sisirain ang pagca vírgen ni Santa Cecilia.Tinauag si Tiburcio na caniyang capatid, (si San Urbano rin ang nagbinyag cay Tiburcio) at pinapanood sa cauili-uling Angel.At hangang silang tatlo ay pumanao sa mundó at nan~gaguing mártir ay di rin nasirá ang pagca vírgen ni Santa Cecilia.

Dito maquiquita nang man~ga magulang ang tan~ging pag tatangquilic nang Dios sa man~ga vírgenes, na cahit ano mang masapit ay caniyang ipag tatangcal, cun sa caniya tumatauag at nananalig.Caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic,[91] nang pag papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua. Ang carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang ualang casinghalagáng hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang in~gatan nang magulang, at palibhasa,i, talaga sa lalong camahal-mahalan at cariquit diquitang esposo. Dinguin nang ama at uliniguin nang ina ang uica nang ating Pan~ginoong Jesucristo sa Santo Evangelio: ang santong bagay, ay houag ninyong ibigay sa aso, at houag ninyong ihain ang inyong perlas sa harapan nang babuy.[92]

Ang cahulugán ay di dapat ibigay sa hamac na tauo ang cayamanang talagá sa Dios.

N~guni cun ang caasalan nang anac na dalaga ay di na uucol sa isang vírgen, cun ang mata,i, di mahinhin, na para nang sa calapati, cun di para nang sa lauin na sadyang talas sa pag hanap nang patáy na hayop, cahit mag sabi sa magulang na aayao mag asaua, ay houag paniualaan.Si Job ay Santo may tacot sa Dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at ang Dios ang nag saysay na ualang caparis sa balát nang lupa;[93] ay ang tauong itong ulirán sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tipán sa caniyang man~ga matá, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing tacot na siya,i, mahulog sa calupaan, cun ito,i, Santo na,i, gayon ang pahayag ¿ang babaye pa caya bagang daquila ang carupucán ang maca pag sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui? Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa magaling.

Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malápit ang catauan sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob ang cahalayán, ay houag pabayaang masunód ang masamang cáasalán.Gayon din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calin~gatan nang magulang.Ang uica ni San Pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumaláng sa babaye;[94] ay isa namang tanda nang cabaita,t, calinisan nang isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui. Ang uica ni San Basilio cun ang babae ay vírgen, vírgen naman ang pagtin~gin, vírgen ang caasalan, vírgen ang lahat nang quilos, vírgen ang boong catauan.[95] At cun di rin lamang maca pag iin~gat; nang calinisan, ay iquita agad nang cagamotan sa Santo Sacramento nang matrimonio, sa pagca,t, ang uica ni San Pablo ay mahan~gay mag asaua cun masusunod din lamang nang apóy nang calupaan.[96] N~guni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa dahan-dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa pagca,t, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, o di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha, palaguing an~gil an~gilan o irin~gang caya, sa cahinaan nang loob nang isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa magulang, na mag asaua sa di nila ibig. N~guni, ¿ano ang nasapit nang man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang napapahamac lalo,t, cun may ibang na iibigan.Nag papahayag nang óo sa ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa canilang catipán.Ano pa ang nasasapit cun macasál na?Ang asaua,i, di mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig.Cun magca gayon na,i, ¿ano ang quinahihinatnán nang ganitong matrimonio?Ang lalaqui,i, nag sasaua, palaguing namumuhi, ang babaye nama,i, gayon din sa munting magca bihira,i, nag tatalo ang mag asaua at ang quinasasapita,i, ang alin man sa dalaua,i, naca iisip mag lilo.¿Sinong may casalanan cun magca gayon, cun di ang nag camaling magulang?Pacatantoin nang ama,t, ina na ang pumilit sa anac sa pag aasaua ay casalanang daquila, sapagca,t, ipinahamac ang canilang caloloua.Ang uica ni San Pablo,i, ang capangyarihan nang magulang ay di dapat gamitin sa icapapacasamá nang anac cun di sa icapapacagaling.[97]

Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panahón ay mag nasang tumangáp nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang carunun~gan na itutupád nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t, cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan. N~guni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan, nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin.N~guni ¿sino caya itong mapalad na Estudiante?[98] Cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap nang orden sagrado, ay pan~ganib na mapacasama. Houag ipahintulot nang magulang na ang, caran~galan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap nang orden sagrado. At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay pacasansalain.

Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao.In~gatan cayong mag asaua nang Dios at ni Guinoong Santa Maria.—ISANG SACERDOTE


SANTONG ARAL

NANG ISANG MAGULANG SA MAN~GA ANAC
BAGO PUMANAO SA MUNDO.


Si Feliza cay Urbana—PAOMBONG....


URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap; siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga mata.[99] Mumulang co ang salita.

Si ama nang á las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay natisod sa lansan~gan, narapá ay nabalian sa dibdib. Capagcarapá ay dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamdám cong dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na napipiquit ang matá, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di macáyanan. Gayon man ay tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing caalio-alio: huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din. Sa salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang patac na luhang tumama sa noó ni ama. Siya namang pag dating ni ina at ni Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay.Dito co na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca higá sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib, inaapóy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na gulong-guló ang pulsó.Nang á las seis nang hapon cami ay tinauag na lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i, nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,[100] at hangang nan~gin~gibang bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcób nang pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.[101] Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa harapan nang Dios.[102]

Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang marinig na ang tugtog nang campana sa pag labás nang Viatico, ang catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit na iyon.N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao.Marahil Urbana,i, na aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,[103] caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcapán nang Sacramentong Extremauncion ay pinapag daop ang camáy, ibinabá ang matá at hinin~gi cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.

¿Ano caya bagá Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang ipinagcaloob mo sa aquin?[104] N~gayon tinangáp co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,[105] ay sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang pag panao sa mundó ay inaasahan co na ipag tatangól mo aco sa man~ga caauay co.[106]

Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.[107]

Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.[108]

Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua.[109]

Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.[110]

At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugó, oh Dios na Pan~ginoong co.[111] Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.[112] Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.[113] Cun itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si Honesto,t, aco, at cami binendicionan.

Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.[114] Nang maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang hinin~ga. Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis, dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan, n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.

Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol, ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang Beaterio, tumalicod sa mundò, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan hangang sa camatayan.At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong malinis na para nang isang vírgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.[115] Bilin pa sa amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatáy, cun di cun siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at nang di na pagca abalahán, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun ano ang bilin ay siya co namang sinunód. Sa pag cacasaquít ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang nag si dalao, naquiramay sa aming hapís, marami rin naman ang quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang dumalao, ay dili naualán nang tauong cun di nasansala, ay nacaguló disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co alalayan nauá nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib. —FELIZA.


CAHATULANG UCOL

SA PAG AYON SA CALOOBAN NANG DIOS


Si Urbana cay Feliza—MANILA ...


FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mulá nang saquít ni ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan, ang pag aayunar, ay ihandóg natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio.Ipag handóg nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnán nang hirap dito sa buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at sumaclolo doon sa isang buhay.

Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua.[116]

Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na man~ga cahatolan.

Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing pag tiponan nang di mamagcanong, sáquit ang caniyang dibdib, ay nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang siyang mangyari, cun di ang calooban mo.Ano ang nararapat n~gayon cun di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.

Houag uicain, na cun di nagca malí ang médico ay di sana namatày, cun di guinamót nang mahusay, cun pina inóm nang gayon, cun tinapalan nang ganoon, di disin napahamac.Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang médicong gumamót ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala ang saquít, hindi matutuhan ang tapal na gamot.Dinguin ang nangyari sa Seraphin sa pag ibig cay Jesús na si Santa Teresa de Jesús.

Nagca saquit nang mabigát ang isang mongja na minamahal niya, sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.

Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang médicong gumagamót, ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa matá nang isang Angel. Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang médico,i, di matutong gumamót sa may saquít, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa isang buhay. Caya ualá siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa. Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di pa tapós ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apóy na galing sa Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtás at nang sa iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating, ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na Pan~ginoon.

Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran nang pag titiis. Hindi tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios.Ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i, pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pan~galan.[117]

Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang caniyang pan~gon~golila.Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.

Ayon sa sabi mo, Feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati, ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan.

Sa nag si si dalao sa man~ga may saquít ay may maquiquita cang tauo na cahan~galan, ó sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i, papasoc sa silid nang nag hihirap, di na pinag iisip na siya marahil doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca pag papahirap, at ang pobreng may saquít ay halos di na maca hin~ga sa dami nang tauo.May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít.Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo.N~guni di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasactán ang gayong man~ga caasalan.Dinguin nitong man~ga han~gal na tao ang sabi sa aquin nang isang naca ligtas sa isang mabigát na saquít: aco aniya,i, dinatnán nang isang saquít na malaot cong dinamdam.Nang aco,i, tumindi na,t, ualá nang médicong gumamót sa aquin, at ang uica,i, ualang pag sala,t, di aco mamamatáy, ang catauan co,i, di co na maiquilos at ang boong asa nang aquing esposa,i, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan nang aquing man~ga casambahay, cahima,t, bulon~gan ay naririnig co.Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan?Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán.At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít.At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.

May maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang patáy na may panyóng lucsá at ang baro,i, pulá, ¿ano ang ipinaguiuica sa canila nang man~ga tauong ito? Tulíg. May maquiquita ca namang anac na nag lulucsá sa magulang o asaua, ay di matagalán nang dalauang buan at inaalis na ang lucsá.¿Ano ang cahulogán nang ganitong caasalàn?Ayao nang alalahanin ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang.

Icao Feliza at Honesto,i, ca-iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay mag pulos nang lucsá nang sang taong singcád.At cun mangyayari disi,i, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bulág na naciones sa Europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pulà ang canilang man~ga damit.Ang ugaling ito dito sa Maynila,i, marami ang sumusunód sa man~ga tagalog man.Hamaquin yaong uica nang man~ga ualang pinag aralan, ang lucsa,i, mainit at naca papanglao.

Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis.Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit.Ilagan ang main~gay na pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang layon.Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal.

May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal? May isang nan~gusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing pamamahay, ay doon na ninyo gauin sa inyong sarili.

Ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan, sapagca,t, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo, caya ang uica ni Salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa pa sa bahay nang piguing.[118] Mabuti rin nama,t, ucol sa paquiqui pag capoua tauo ang dumamay sa man~ga cababayan at caibigan, n~guni cun ang gagauin ay ang pagn~gin~gisihan at iba pang caulolan mahan~gay houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.

Cun dumalao sa man~ga namatayan, ang carampata,i, tumahimic, alalahanin yaong uica nang Pantas, n~gayon ay sa aguin at bucas ay sa iyo, aco,i, namatáy n~gayon at susunod ca naman; ipagdasal ang namatay at aliuin sa hapis ang namatayan.Ang namatayan naman ay di nauucol mag taua, mag n~gisi at mag tabil at nang di uicain na iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon.

N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at sabayán nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan sa lalaqui. Ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis, nang may pagca guinhauahan. Dalauin mong madalas, Feliza, at gayon din naman si Honesto ang libin~gan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,i, papurihan mo naman ang caniyang pan~galan.

Aco, Feliza,i, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong cagalan~gan at pamimintuho; cayong mag asaua,i, in~gatan naua nang Dios, at gayon din naman si Honesto: Susundin co ang bilin ni ama, aco,i, lalayo na sa mundo.Adios, hangang sa isang buhay.—URBANA


MGA TALABABA: