Ang "Filibusterismo" (Karugtóng ng Noli Me Tangere)
Play Sample
Paliwanag ng Tagapagsalin
Ang tekstong ito ay nasa lumang Tagalog, na gumagamit ng titik g na may tilde sa ibabaw (g̃), na makikita halimbawa sa mga salitang ng̃, mg̃a, at ng̃ayón. Kung hindi maayos na nakikita ang titik g̃, tiyaking UTF-8 ang nakasaad na file encoding sa iyong browser. Maaari ring kailangang palitan ang font na iyong gamit.
Ang tekstong ito ay nasa lumang Tagalog, na gumagamit ng titik g na may tilde sa ibabaw (g̃), na makikita halimbawa sa mga salitang ng̃, mg̃a, at ng̃ayón. Kung hindi maayos na nakikita ang titik g̃ sa iyong e-book reader, maaaring kailangang palitan ang font na iyong gamit.
J.RIZAL
ANG “FILIBUSTERISMO”[*]
(Karugtóng ng̃ NOLI ME TANGERE)
(Tinagalog ni PATRICIO MARIANO)
Masasapantaha kaagád, na, lihim na nágayuma ñg isáng FILIBUSTERO ang kapisanan ñg mg̃a makapraile at mg̃a laban sa pagkakasulong, upáng, sa pag-alinsunod na waláng malay sa mg̃a udyók ñg kaniláng kalooban, ay makatulong at makapagpalusóg doon sa imbót na íisang bagay ang linalayon: palaganapin ang adhiká ñg FILIBUSTERISMO sa boong bayan at pananaligin ang lahát ñg pilipino na waláng ibáng kaligtasan liban sa humiwaláy sa España.
Ferdinand BLUMENTRITT.
[*] Kung ihuhulog sa wikang tagalog ang salitáng FILIBUSTERISMO ay lubhang hahaba ang pañgalan ñg aklát na itó at marahil ay mangyaring hindi pa mawatasan ñg babasa, kaya’t hindi na namin inihulog sa wika natin; ñguni’t ílalagáy namán ang katuturán ó kahulugán ñg salitáng itó upang mabatíd noong mg̃a hindi nakaaalam ñg kaniyang kahulugán.
FILIBUSTERO: Galing sa salitáng inglés na freebooter; itinawag sa iláng mangdadambóng na lumagusaw sa karagatang Antillas, América, niyong 1700.—FILIBUSTERO din ang tawag sa mg̃a taong nag-uusig na mápahiwalay sa España ang mg̃a lupaíng sakop nitó, sa kabilá ñg mg̃a dagat, kayá’t ang salitáng FILIBUSTERISMO ay waláng ibáng kahulugán kun di ang adhikáng pag-usígin ang paghiwaláy sa nakasasakop. —P. ng̃ T.
UNANG PAGKAKÁLIMBÁG.
MAYNILA
Limbagan at Aklatan ni I.R.Morales,
Liwasang Miranda, 11–13, Kiyapo
1911.
ALAALA
sa mg̃a paring G. Mariano GOMEZ (85 taón)
José BURGOS (30 taón)
at Jacinto ZAMORA (35 taón)
na binitay sa Bagumbayan ng̃ ika 28[A] ng̃ Febrero ng̃ taóng 1872.
Sa dî pagsang-ayon ng̃ Relihion na alisán kayó ng̃ karang̃alan sa pagkaparì ay inilagáy sa alinlang̃an ang kasalanang ibinintáng sa inyó; sa pagbabalot ng̃ hiwagà’t kadilimán sa inyóng usap ng̃ Pamahalàan ay nagpakilala ng̃ isáng pagkakamalîng nágawâ sa isáng masamâng sandalî, at ang boông Pilipinas, sa paggalang sa inyóng alaala at pagtawag na kayó’y mg̃a PINAGPALA, ay hindî kiníkilalang lubós ang inyóng pagkakasala.
Samantala ng̃âng hindî naipakíkilalang maliwanag ang inyóng pagkakálahók sa kaguluhan, nagíng bayani kayó ó dî man, nagkaroon ó dî man kayó ng̃ hilig sa pagtatanggol ng̃ katwiran, nagkaroon ng̃ hilig sa kalayâan, ay may karapatán akóng ihandóg sa inyó, na bilang ginahís ng̃ kasamaáng ibig kong bakahin, ang aking gawâ.At samantalang inaantáy namin na kilalanin sa balang araw ng̃ España ang inyóng kabutihan at hindî makipanagót sa pagkakápatáy sa inyó, ay magíng putong na dahong tuyô na lamang ng̃ inyóng mg̃a liblíb na libing̃an ang mg̃a dahong itó ng̃ aklát, at lahát niyong walâng katunayang maliwanag na umupasalà sa inyóng alaala, ay mabahiran nawâ ng̃ inyóng dugô ang kaniláng mg̃a kamáy.
J.Rizal.
[A] Hindí namin binago ang 28 na nasa wikang kastila, ng̃uni’t ipinauunawa namin na ika 18 ng̃ bitayin ang mg̃a tinurang pari. —P. ng̃ T.
INDICE.
Páh. | ||
Alaala | 5 | |
I. | —Sa Cubierta | 7 |
II. | —Sa silong ng̃ Cubierta | 18 |
III. | —Mg̃a alamát | 27 |
IV. | —Si Kabisang Tales | 33 |
V. | —Ang “Noche buena” ng̃ isáng kotsero | 44 |
VI. | —Si Basilio | 50 |
VII. | —Si Simoun | 57 |
VIII. | —¡Mabuting Paskó! | 70 |
IX. | —Si Pilato | 74 |
X. | —Kayamana’t karalitaan | 76 |
XI. | —Los Baños | 88 |
XII. | —Plácido Penitente | 104 |
XIII. | —Ang aralan ng̃ Písica | 113 |
XIV. | —Isáng tahanan ng̃ mg̃a nag-aaral | 125 |
XV. | —Si G. Pasta | 137 |
XVI. | —Ang mg̃a kapighatian ng̃ isáng insík | 146 |
XVII. | —Ang periya sa Kiyapo | 158 |
XVIII. | —Mg̃a kadayaan | 163 |
XIX. | —Ang lambal | 172 |
XX. | —Ang nagpapalagáy | 184 |
XXI. | —Mg̃a ayos Maynila | 194 |
XXII. | —Ang palabás | 207 |
XXIII. | —Isáng bangkáy | 223 |
XXIV. | —Mg̃a pang̃arap | 231 |
XXV. | —Tawanan—Iyakan | 243 |
XXVI. | —Mg̃a paskín | 252 |
XXVII. | —Ang prayle at ang pilipino | 258 |
XXVIII. | —Tatakut | 270 |
XXIX. | —Mg̃a hulíng salitáng ukol kay kapitan Tiago | 279 |
XXX. | —Hulí | 283 |
XXXI. | —Ang mataas na kawaní | 294 |
XXXII. | —Mg̃a ibinung̃a ng̃ mg̃a paskín | 300 |
XXXIII. | —Ang hulíng matuwid | 305 |
XXXIV. | —Ang kasál | 314 |
XXXV. | —Ang pistá | 318 |
XXXVI. | —Mg̃a kagipitan ni Ben-Zayb | 328 |
XXXVII. | —Ang hiwaga | 334 |
XXXVIII. | —Kasawian | 339 |
XXXIX. | — | 345 |